Hello Kabayan,
Lahat tayo, naghahanap ng pagkakakitaan. Sa hirap ng panahon ngaun, kahit mga college graduates ay hirap makahanap ng trabaho. Pano pa kaya ang mga hindi nakapag tapos ng pag-aaral?
Mga kabayan, ako po ay si Sharry. Ginawa ko po itong site na ito para po ibahagi sa inyo kung paano po kumita online. Mapa online trabaho man o business online. Hindi po ako isang "internet guru" na alam ang lahat. Ang ibabahagi ko lamang po dito ay ang mga idea, mga impormasyon sa mga nabasa at napanood ko pong e-books at videos, kung pano kumita online at mga sariling experience in selling and working online, na sana po ay maka tulong sa inyo lalo na po duon sa mga newbies o baguhan.
Marami na pong pinoy ang kumikita ng dollars online. May mga successful bloggers na kumikita ng libo libong dolyares kada buwan sa pag ba blog. Ngunit sila po ay mga professional bloggers na. Pero gaya natin, nag simula din po cla bilang baguhan o newbies. Hindi po sila kumita agad over night. Pinag aralan din po nila maige ang mga paraan kung pano sila kikita online. Ilang buwan o taon din ang binilang bago sila talagang kumita ng malaki.
Marami pong paraan kung pano kumita online. Trabaho man o online business, lahat po ay kelangan pag tuunan ng oras at tiyaga. Ang kagandahan lang po dito ay, wala po kayong boss! Kayo po ang boss dahil hawak nyo ang araw at oras kung kelan nyo gusto kumita o mag trabaho, unless nalang po kung mag sign up kayo ng trabaho online para sa isang employer.
Sa mga susunod na araw, itatalakay ko po dito ang mga paraan kung pano kumita online ng libre or sa maliit na kapital. Ang kelangan lang po ay computer, internet connection, sipag at tiyaga at ang willingness nyo na matuto. Kung wala naman po kaung computer, pwede nyo din po naman ito gawin sa internet shops.
Gumagalang,
Sharry
Comments
Post a Comment